Wednesday, October 15, 2008

Ang Aking Kasaysayan bilang Estudyante (Entry #1)

by: Francisco Lagunzad (ID-10701486)

Ang una kong naalala tungkol sa una kong araw sa eskwela ay karamihan na kasabay kong unang beses palang papasok bilang kinder, ay umiiyak o kaya ay nagwawala at tumatakbo papunta sa mga magulang nila. Ako ay nagulat nalang at medyo natuwa sa aking sarili dahil ako ay kalmadong nakaupo sa aking silya at gumuguhit habang naghihintay sa aming guro. Nang dumating ang gaming guro, ang isa sa una niyang ipinagawa saamin ay magpakilala sa buong klase at pagkatapos ay siya naman ang nagpakilala. Pagkatapos magpakilala ng lahat sa isat isa, nagsimula ng magturo ang guro namin. Simulan nung araw na iyon, tuwing aking pag-uwi sa bahay ay may dala akong mga bagong mga impormasyon at aral tungkol sa ating buhay tulad ng Agham, Sipnayan, pagbasa at pagsulat ng wikang Filipino at Ingles, at kung ano ang dapat na mga katangian at ugali ng isang marangal na tao.

Hindi nagtagal ay nasa elemntarya na ako. Sa elemntarya, mas mga komplikadong aralin na ang mga ginagawa pang handa sa sekondaryang pag aaral o hayskul.

Nang ako ay tumapak na sa mas mataas na baiting na, nasimula kong mapansin na maliit lamang ang eskwelahan na pinapasukan ko. Ang eskwelan ay bagong bukas pa lamang, bagong bago sa negosyo. Ang Bawat baitang, isa lamang ang silid, hindi tulad sa iba na madaming mga silid na may mga seksyon pa bawat baitang. Minsan nga ay iilan lamang ang mga estudyante sa silid. Wala akong nakilalang kaklase na kapareho ko sa mga hilig at pagkatao. Napansin ko din na ang mga tao sa paligid ko ay iba ang at paguugali. Naalala ko ay hilig nilang magnakaw ng mangga sa tabi ng eskwelahan namin na pag aari ng mga nakatira sa lugar at ako ay nag silbeng “watcher”. Hindi ko nagustuhan ang karamihan sa mga tao na nakilala ko sa eskwelahan ngunit meron din akong mga iilan na tao naitinuring kong mga kaibigan. Sa elemntarya, bukod sa natutunan kong mga aral sa loob ng silid, natutunan ko din kung papaano mamuhay ang iba ibang klaseng mga tao.

Nang ako ay tumapak na sa hayskul, medyo ako ay nanibago dahil paunti ng paunti ang mga tao sa aking pinapasukan na eskwela. May mga bagong mukha at may mga luma din ngunit mas kumokonti ang mga lumang mukha at hindi din ganoon kadami ang mga bagong mukha. Napapansin ko na sa panahon na ito na hindi maganda ang edukasyon na ibinibigay ng aking eskwela. At dahil sa kaunti lamang ang pumapasok sa eskwelahan, kakaunti lang din ang mga klase ng taong nag aaral dun. Hindi malawakan ang pakikipag palit ng mga ideya at mga konsepto. Hindi ako masyadong nasiyahan sa mga unang taon ko bilang hasykul dahil dito. Pakiramdam ko ay masyado akong naiiba sa mga tao sa paligid ko pag ako ay nasa eskwelahan. Ako ay nag aral sa iisang eskwelahan mula kinder hanggang ikalawang taon ng hayskul ngunit lumipat ako ng eskwelahan noong ako ay tumapak na sa pangatlong taon.

Sa unang araw na pagpasok ko sa aking bagong eskwelahan, ako ay nalakihan sa eskwelahan at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ngunit sa pamamagitan ng pagtatanong kung kani-kanino, nahanap ko din ang aking silid. Nagulat din ako sa mga estudyante dito dahil iba ang kanilang mga itsura. Ang ibang mga kalalakihan ay mahahaba ang buhok na parang pambabae at iba din ang kanilang mga pananamit, ganoon nadin sa mga babae. Nung una ay pakiramdam ko ako ay isang taga labas, ngunit ng nakilala ko isa isa ang mga tao, naramdaman at nakita ko na ang mga estudyante sa aking bagong eskwelahan ay mas masaya kasama. Nakahanap din ako ng mga taong pareho ang aming mga hilig at pagkatao. Sa una ay kakaunti palang ang aking mga kilala, ngunit ng nagtagal ay halos lahat ng tao sa eskwela ay kilala ko na. Dito sa aking bagong eskwelahan ako ay nagkaroon ng mga kaibigan na hanggang ngayong mga kolehiya na kami ay nagkikita parin kami linggo-linggo. Madami silang mga naimpluwensya sakin tungkol sa ibat ibang mga bagay. Dito sa pangatolng taon bilang hayskul ko naramdaman na ako ay medyo tuamatanda na at dito ay marami nanaman akong natutunan tungkol sa buhay at sa maraming pang ibang mga bagay bukod sa mga karaniwang mga bagay na itinuturo ng a mga guro sa loob ng silid.

Di na din nagtagal ay natapos ko na ang aking buhay hayskul. Sa totoo lang ay muntik akong hindi umakyat noong gradwesyon naming dahil muntik na akong bumagsak sa Sipnayan, ngunit nagawan ko siya ng paraan at sa awa ng diyos ay nakatapos na din ako. Ako ay tumigil sa aking buhay estudyante ng halos isang taon bago tumapak sa kolehiyo dahil sa isang napaka komplikadong rason. Ako ay nabigyan ng isang taong bakasyon, ngunit sa isang taon nay un, may sampung araw ako na nagging estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas. Ako ay nag aral ng salitang French at Spanish ngunit sa mababang lebel lamang at sa totoo lang ay hindi ko na naalala masyado ang mga itinuro sakin. Pagkalipas ng aking isang taong bakasyon, ako ay sumubok na pumasok sa La Salle at sa awa ng diyos ako ay naka tsamba.


No comments: